Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NTF-ELCAC nasilipan sa ginayang DepEd project

0 246

Pinuna ni Senador Nancy Binay kung paano ginagamit ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pondo matapos mapansin na may mga proyektong katulad din sa mga pinagagawa ng Department of Education (DepEd) sa malalayong barangay.

Sa isang panayam, binalikan ni Binay ang nakaraang pagdinig ng Senado ukol sa pondo ng NTF-ELCAC kung saan ilang isyu aniya ang kanilang kinuwestiyon partikular sa ginagamitan ng perang inilalaan dito.

“`Pag ni-review mo `yong transcript during the budge deliberations, nag-raise tayo ng certain issues against NTF-ELCAC funding kasi nakita natin base sa listahan ng mga barangay, ang kinakatakot natin during that time is `yong madoble `yong mga programa,” sabi ni Binay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang intention ng programa is `yong mga barangay na cleared from insurgency makakakuha ng 20 million worth ng projects. May menu `yan e, puwede farm-to-market road, school building. Cite ko na lang `yong school building during the budget hearing mukhang magkakaroon ng duplication dahil `yong DepEd mayroon din silang last miles school program at base sa pagre-review natin ng mga submissions ng dalawang ahensya, may mga barangay na parehong mabibiyayaan ng classroom,” pagbubunyag pa ni Binay.

Kaya mahalaga aniya na mapag-aralan muli ang pondo ng NTF-ELCAC na ayon kay Binay ay bahagi pa rin ng trabaho ng Senado.

Leave A Reply

Your email address will not be published.