Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NTF-ELCAC, NYC nakaw photo buking

0 596

Pinalagan ng pamunuan ng Miriam College ang pagdamay ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa kanilang mga menor de edad na estudyante sa isa nitong event kamakailan.

Nabatid na nagkaroon ng online forum ang NTF-ELCAC at National Youth Commission (NYC) na pinamagatang “Para sa Youth PH: The Relaunching” noong Enero 29.

Sa video ng forum ay nakasaad sa caption na: “Makakasama natin ang mga student leaders mula sa iba’t-ibang unibersidad upang talakayin ang isyu sa Red-tagging, DND-UP Agreement at Anti-Terror Act of 2020.”

Sa isang press statement nitong Mayo 11, sinabi ni Miriam College president Ambassador Laura Del Rosario na napag-alaman nilang ginamit ang larawan ng kanilang mga high school student sa isa sa mga presentasyon sa naturang virtual event.

“Please be informed that this photo was grabbed, without permission, from our school’s official website,” sabi pa ni Del Rosario habang pinupunto na ang larawan ay kinuhanan nang lumahok ang kanilang mga mag-aaral sa isang international competition sa Yale University sa Estados Unidos noong 2019.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Our school sought permission from their parents/legal guardians to take and upload their photos on our school’s website because they are minors and are only completing high school education in Miriam College,” pahayag pa ni Del Rosario.

Sumulat na aniya ang Miriam College sa NTF-ELCAC noong Mayo 10 upang ipabura ang larawan sa nasabing event.

“We asked them to exercise caution and discretion in uploading photos on social media especially those that involve minors,” ani Del Rosario.

Sa ngayon ay hindi na accessible ang Facebook link ng naturang forum. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.