Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NTF tiwalang maabot ‘herd immunity’ bago Pasko

0 200

Kumpiyansa ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 na maaabot ang target na “herd immunity” sa National Capital Region Plus 8 bago sumapit ang Pasko.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni NTF Vice Chairman Vince Dizon na kung magtutuloy-tuloy ang pagdating ng supply ng mga bakuna sa bansa hanggang sa Nobyembre ay kampanteng maaabot ang target na “herd immunity”.

SM food to go Banner Ad

“Tingin ko kampante tayo na maaabot natin, lahat ay nakadepende talaga sa supply. Maganda ang report ni Secretary Galvez na parating ang bulto ng supplies simula sa June hanggang November, maaabot natin yong 70% ng NCR Plus 8,” ani Dizon.

Naniniwala ang kalihim na maaabot ang target na “herd immunity” sa tulong ng national government, local government units (LGUs) at private sector. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.