Abante Tonite Interactive

NU pasok sa F4

By
6

Naungusan ng National U ang UE 2-1 sa extra innings para bumiyahe na rin sa Final Four ng UAAP Season 79 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium kahapon.

Loaded ang bases ng Lady Warriors, kinumpleto ni pitcher Mia Macapagal ang final strikeout at sinamahan ng Lady Bulldogs (7-1) sa F4 ang reigning six-time champion Adamson (8-1) na 11-2 winner laban sa Ateneo. Nangailangan lang ng five innings ang Lady Falcons para ipagpag ang Lady Eagles.

Pinaypayan ng UP ang tsansa sa F4 sa bisa ng 5-2 panalo sa UST. Isang laro lang ang Lady Maroons (3-6) sa likod ng De La Salle (4-5) sa karera sa last semis berth.

Abante Hiring – IT dep

Sa baseball, binokya ng Ateneo (5-1) ang UP sa umpisa ng second round nitong Linggo. Pinaamo ng defending champion La Salle ang Adamson 8-5, naligtasan ng UST ang NU 4-3.