Abante Tonite Interactive

Nualla, 3 pa paldo ang mga bulsa

371

Nakatakdang mabiyayaan nang malaking pabuya ang apat na atleta ng dance sport na mga nakakopo ng tigtatatlong medalyang ginto sa matatapos mamayang 30th Southeast Gsian Games Philippines 2019 sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac.

Sila ay sina Ana Leonila Nualla, Pearl Marie Cañeda, Sean Mischa Aranar at Wilbert Aunzo. Kada gold nila’y tutumbasan ng Philippine Sports Commission ng P300,000, sa silver ay P150,000 at sa bronze ay P60,000.

Masayang pinamalita Martes ng hapon ni PSC Chairman at Team Phili­ppines’ Chef de Mission William ‘Butch’ Ramirez sa courtesy call ng Philippine surfing team sa PSC Office sa Malate, Manila na magkakaloob din si Pangulong Rodriogo Duterte ng P250,000 para sa ginto, P150,000 sa pilak at P100,000 sa tanso.

“We were all hoping and praying for this, but it is still a sweet surprise now that it is actually happening. I am so proud of our athletes. All of them deserve our respect and love,” anang tuma­yong ama ng pambansang delegasyon mula sa preparasyon hanggang sa labanan sa 11-bansa, 12-araw kada dalawang taong paligsahan.

Inimbitahan ng Punong Ehekutibo ang mga nanalo ng medalya sa SEA Games kung saan nagkampeon sa pangkalahatan sa pangalawang pagkakataon ang bansa sa Palasyo ng Malakanyang sa Disyembre 18.

“This is a result of all the sacrifice and hard work of everyone who pushed for chances at victory,” wakas na pahayag ni Ramirez. “This win proves that we can achieve a lot when we come together united as one team.” (ED)