Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nuclear Bomb, Haley Rebecca namayagpag

0 54

Pinaghatian nina Nuclear Bomb at Haley Rebecca ang mga pagiging tigasing kabayo sa taong 2021 nang gawaran ng parangal sa katatapos na 2022 Philracom (Philippine Racing Commission) Awards.

Pag-aari ni Gabriel Gaerlan na nagwagi ng dalawang leg sa Triple Crown at kampeon din sa Presidential Golf Cup upang kumita ng halos P11.5M, pinagkaloob nina Philracom Chairman Aurelio ‘Reli’ De Leon at Commissioners Victor Tantoco, Lyndon Noel Guce, Dante Lantin at Jose Embang ang Top Horse sa nasabing yokaba.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kumukumpletong Top 3 na petmalung lalaking kabayo sina Supwer Swerte ni Leonardo ‘Sandy’ Javier, Jr. at War Cannon ni Melanie Habla.

Top Broodmare si Haley Rebecca kung saan kumita ng malapit sa P12.4M samantalang 2-3 na malulupit na babaeng kabayo sina Faster Tapper at Ivanavinalot. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.