Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nuclear Bomb pasabog

0 81

Nagpasabog sa karerahan si Nuclear Bomb matapos angkinin ang korona sa 2021 Philippine Racing Commission 1st Leg Triple Crown Series sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Linggo.

Hindi binigo ni Nuclear Bomb at hineteng si Pabs Cabalejo ang kanilang mga tagahanga nang rematehan nila sa rektahan ang nangungunang si War Cannon.

Nagwagi si Nuclear Bomb sa tiyempong 1:40.4 sa 1,600meter race ng may tatlong kabayo ang agwat sa second placer na si War Cannon kaya nahamig ang P2.1M premyo sa event na inisponsoran ng Philracom.

Sinilo ni War Cannon ang P700K habang kinubra nina Kevlar at Kaparkan Falls ang P350K at P175K para sa third at fourth, ayon sa pagkakasunod.

Nakapag-uwi rin sina Stayinthemoment at Hook On D Run ng P105K at P70K makaraang dumating sa meta ng panima at pang-anim. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.