Abante Tonite Interactive

Nueva Ecija: 122 PUI negatibo sa coronavirus

483

Nagpahayag ng kagalakan ang pamunuan ng Nueva Ecija Inter-Agency Task Force COVID-19 makaraang lumabas sa pagsusuri na negatibo sa coronavirus ang 122 person under investigation (PUI) sa kanilang probinsiya.

Nabatid mula kay Governor Aurelio Umali, na siyang provincial head ng task force, na may hinihintay pang mga resulta mula sa kabuuang 157 na sinuri.

Nakarekober na rin ang isang residente sa Brgy. San Nicolas, Gapan City at nadagdag sa unang dalawang positibo sa probinsiya.

Ayon pa kay Umali, malaking tulong ang ginagampanan ng Nueva Ecija Prayer Warriors (NEPW) na nagbibigay ng pag-asa, lakas at spiritual healing sa mga pasyente.

Nanawagan naman ang diocese ng Cabanatuan sa mga may ginintuang puso na sumuporta sa ginagawa ng NEPW at sa Alay Kapwa para sa Mamamayan program. (Jojo De Guzman)

Tonite – Wendys Inhouse Ad