Abante Tonite Interactive

Nueva Ecija chairman nanalo na, natalo pa sa toss coin

By
684

“Panalo na, natalo pa!” Ito na lang ang nasabi ng kumandidatong barangay captain ng Brgy. Caballero, Guimba, Nueva Ecija makaraang matalo sa ‘toss coin’ sa nakatablang kalaban kahapon ng tanghali.

Nabatid ng TONITE na kapwa nagtamo ng 343 boto sina Salvador Garcia at Feliciano Castro at nagtablang barangay captain sa idinaos na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections noong Lunes.

Tulad ng isinasaad sa Omnibus Election Code na ang nagtablang nagwagi ay maaaring magtalo sa pamamagitan ng ‘toss coin’.

Kahapon ng alas-12:00 ng ­tanghali nang gawin ang toss coin sa harap ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) kung saan nagwagi si Castro.