Abante Tonite Interactive

Nueva Ecija giniba ni De Vera, Zamboanga

0 234

Mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome-Pasay)
4 pm – Bulacan vs Navotas
6:30 pm – Makati vs Marikina
8:30 pm – Paranaque vs Pasay

Bumida si Laodaniel de Vera ng 14 points, 12 rebounds at 3 assists nang itaob ng Zamboanga Family’s Brand Sardines ang Nueva Ecija MiGuard, 109-85, sa pampalabok na laro ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 elims Lunes nang hapon sa Muntinlupa City Sports Center.

Ang singhal ni best player of the game De Vera ang nagkaloob ng back-to-back win sa Chavacanos na umangat sa 8-7 karta at kipkipin ang eight spot sa Group B.

Bukod kay De Vera, 5 pa sa mga magsasardinas ang gumawa ng double-digits. May 16 markers si Robin Rono kalakip ang 6 assists, Ryan Paule Costelo na naka-12 pts. at 5 asts., Choi Ignacio na may 16 pts., at Med Salim at Harold Arboleda na may tig-10 puntos.

“Number one thing today was defense so we were working it in practice for last 3 days,” namutawi kay De Vera. “Sobrang tutok si coach sa defense namin so we let the offense flow.”

‘Di naman naging sapat ang tig-14 pts. nina JR Cawaling at Jimbo Aquino para humaba pa sa lima ang losing streak ng Novo Ecijanos na bumagsak sa 2-10 win-loss record at mapako sa Group A 15th spot. (Aivan U. Episcope)