Abante Tonite Interactive

Nueva Ecija hinahanda na mga quarantine area

677

Ikinasa na ng 17 local government unit sa Nueva Ecija ang mga posibleng quarantine area para sa mga person under investigation (PUI) na nararapat isailalim sa home quarantine na ipinag-uutos ng Department of Health (DOH).

Sa idinaos na joint meeting ng Nueva Ecija Inter-Agency Task Force at Bantay COVID-19, sinabi ni Governor Aurelio Umali na kakailanganin pa ng kaukulang assessment sa itinuturong mga lugar ang DOH.

“Sa susunod na dalawang araw ay magkakaroon ng inspection at assessment ang DOH kung maa-accredit ang mga ito para sa mga PUI,” ayon kay Umali.

Nabatid na umabot na sa 301 ang bilang ng mga PUI na naghihintay pa ng resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at nasa 22 naman ang kumpirmadong kaso.

Para kay Fr. Arnold Abelardo, tagapagsalita ng Nueva Ecja Inter-Agency Task Force, mahalaga ang mga quarantine facility para mas madaling matunton ang PUI kapag pinayagang lumabas ng ospital para sa home quarantine.(Jojo De Guzman)

Tonite – Wendys Inhouse Ad