Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nueva Ecija umaray sa smuggling ng sibuyas

0 282

Umapela ang mga opisyales ng Nueva Ecija sa Bureau of Customs na kumilos sa napaulat umanong smuggling ng sibuyas mula bansang India na nakakaperwisyo sa lokal na ani ng mga magsasaka.

Lumiham kay BOC commissioner Rey Leonardo Guerrero si NE 3rd District Rep. Rosanna Vergara, upang maprotektahan ang mga magsasaka ng sibuyas mula sa mga bayan ng Gabaldon, Laur, Ge. Natividad at bayan ng Bongabon, na tinataguriang “top onion producer”.

Binanggit umano ni Rep. Vergara ang mga ulat ukol sa smuggled na sibuyas galing India na ibinabagsak sa Davao, Cebu, at Cagayan De Oro noong Mayo.

Noong Hunyo ay nanawagan din si Bongabon Mayor Allan Xystus Gamilla kina Guerrero at Agriculture Sec. William Dar ukol sa problema na nakakaperwisyo rin sa mga nasa onion industry hanggang Pangasinan, Mindoro at Tarlac. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.