Abante Tonite Interactive

Nuggets coach Malone, gulantang sa shooting

389

Apektado si Denver coach Michael Malone sa nangyaring pamamaril sa isang eskuwelahan sa kanyang lugar ilang oras bago ang NBA playoff game ng Nuggets kontra Portland Trail Blazers nitong Martes.

“That’s a community I live in. I know thoughts and prayers are never enough, but… from myself, our team, our organization, our thoughts and prayers with all those families, students, school administration, everybody that was there today,” emosyonal na litanya ni Malone sa pregame news conference.

Ayon sa mga awtoridad, isang 18-anyos na lalaking estudyante ang namatay at ilan pa ang sugatan sa pamamaril sa STEM School Highlands Ranch, 24 kilometers (15 miles) mula sa home arena ng Nuggets na Pepsi Center.

Dalawang estudyante ang nasa kustodya ng pulisya pagkatapos ng insidente.

Kinontak ng asawa si Malone Martes ng hapon para ibalita ang nangyari. May dalawa silang anak na babaeng nag-aaral malapit sa lugar.

Aligaga pa si Malone na pag-usapan ng team ang trahedya bago ang Game 5 ng Western Conference semifinals.

Isa pang buma- bagabag sa coach ay kung paano niya kakausapin ang mga anak. (VE)