Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nuggets susubukang umahon: Jokic, Murray ‘maghihimala’

0 78

NAKATANAW muli ang Denver sa 3-1 deficit, ngayon ay sa West finals naman.

Ilalabas muli nina Nikola Jokic at Jamal Murray, katuwang sina Paul Millsap at Michael Porter Jr., ang natitira pang gas sa tangke para humirit ng Game 6.

Dalawang beses nakabangon ang Nuggets mula sa parehong hole – kontra Jazz sa first round, at laban sa Clippers sa second.

Iba ang hinaharap nila ngayon – ang Lakers na bully sa West.

Si LeBron James na kahit masama ang timpla ay naglalaro sa triple-double ang produksiyon, si Anthony Davis na consistent sa series, at ang nabuhayang support cast sa pangunguna nina Rajon Rondo at Dwight Howard.

“Obviously, we have been here twice and we have answered the call, if you will,” ani Denver coach Michael Malone.

Baka raw maubusan na ang Nuggets sa pangatlong 3-1.

Babalik ang Nuggets para umiwas sa exit sa Game 5 ngayon. Isang panalo na lang ay babalik sa NBA Finals ang Lakers sa unang pagkakataon sapul noong 2010.

“I think people out there probably think this is exactly where we want them,” dagdag ni Malone. “It’s not. we would much rather be up 3-1, but it is what it is.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.