Abante Tonite Interactive

Number coding excuse ngayong araw

203

Inanunsyo kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ngayon, Pebrero 25 ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Base sa traffic advisory ng MMDA, sinuspinde nila ang pagpapatupad ng UVVRP bilang paggunita ng ika-34 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ibig sabihin ay malayang makakabiyahe ang mga sasakyan anuman ang nasa hulihan ng digit ng kanilang plaka sa lahat ng pangunahing lasangan sa Metro Manila.

Ito ay matapos ideklaradong special non-working­ holiday ang nasabing petsa. (Armida Rico)