Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Number coding hindi pa ibabalik

0 78

Hindi pinaboran ng bagong Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr. ang unang plano ng pamunuan ng ahensya na ibalik ang number coding sa kalsada para makaluwag sa daloy ng trapiko.

Ayon kay Abalos, plano ni dating MMDA chairman Danilo Lim na ibalik ang number coding sa pagtatapos ng 2020 pero sa panahon ngayon, lalo na pandemic pa, ay hindi pa umano dapat dahil marami ang mahihirapan, lalo na ang mga frontliner kaya naman tinutulan niya ito.

SM food to go Banner Ad

“Sa akin `wag po muna. We need to encourage people to get out at kulang pa tayo ng sasakyan. Kung talagang traffic, let give it a few more weeks or a few more days,” paliwanag ni Abalos.

Samantala, plano rin nitong ayusin ang ilang traffic scheme na pinatutupad na ngayon kasabay ng pagpapalagay ng rampa sa mga EDSA busway para hindi makasagabal at maiwasan ang trapiko sa mga isinarang U-turn slot. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.