Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Number coding ibabalik ng MMDA

0 141

Posibleng ibalik ang number coding scheme kapag lumala ang trapik sa kahabaan ng EDSA ngayong ibinaba na sa COVID-19 alert level 2 ang Metro Manila hanggang sa Nobyembre 21.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, may pandemic o wala ay matrapik pa rin sa EDSA dahil hindi na maiwasan ang patuloy na pagdaloy ng mga sasakyan dito.

Base sa ulat ng MMDA, nasa 400,000 na ang naitalang dumaraan na sasakyan sa EDSA na malapit na sa 405,000 na naitala bago pa man ang pandemya.

Sa kabila nito, umaasa si Abalos na maaayos ang daloy ng trapiko sa EDSA na posibleng lumala pa ngayong nalalapit na ang holiday season. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.