Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Number coding ibabalik sa Metro Manila

0 56

Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benjamin Abalos na posibleng ibalik na ang number coding scheme sa Metro Manila sa susunod na Linggo.

Irerekomenda umano niya sa mga alkalde sa National Capital Region (NCR) ang muling pagbabalik ng number coding scheme upang malimitahan ang mga behikulo na bibiyahe sa mga major road ng Metro Manila. Ito aniya ay dahil nagsisimula na ang paglobo ng bilang ng mga bumabiyahe sa lansangan katulad noong bago magpandemya.

Pero nilinaw niyang ang mga behikulo ay pagbabawalan lang sa mga major road sa ‘afternoon rush hour’ na nangangahulugan na maaari pa ring gamitin ng sinuman ang kanilang sasakyan kung ito ay pribado.

Sa ilalim ng number coding scheme, ang sasakyan na may plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay hindi puwedeng bumiyahe kada Lunes, 3 at 4 ay kapag Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkoles, 7 at 8 kada Huwebes habang ang 9 at 0 naman ay pagsapit ng Biyernes. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.