Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Number coding suspendido sa Pasko, Bagong Taon

0 157

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang number coding sa araw ng Pasko at Bagong Taon.

Sa inilabas na abiso ng MMDA, hindi muna ipatutupad ang number coding sa mga provincial bus at mga private at public utility vehicle sa Metro Manila, sa Disyembre 25 at Enero 1, 2022.

SM food to go Banner Ad

Samantala, suspendido rin ang number coding alas-singko ng hapon hanggang alas-otso ng gabi para sa mga bus, pribadong sasakyan at iba pang public utility vehicle sa Metro Manila ngayong Biyernes, Disyembre 24, sa Rizal Day (Disyembre 30) at sa bisperas ng Bagong Taon, Disyembre 31.

Ang mga sasakyan na may plate number na nagtatapos sa 7 at 8 na coding tuwing Huwebes (Rizal Day), 9 at 0 na sakop naman ng coding tuwing Biyernes ay papayagang bumiyahe sa lahat ng lugar sa Metro Manila ng buong araw, ayon pa sa MMDA. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.