Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nurse binuntis pasyenteng may kapansanan

0 174

Arestado ang isang nurse matapos nitong halayin at buntisin ang pasyente na may malubhang kapansanan sa Arizona, United States.

Dinakip ang suspek na si Nathan Sutherland matapos pagsamantalahan ang 29-anyos na pasyente na nasa kanyang pangangalaga.

Ayon sa pamilya ng biktima, hindi ito nagsasalita ngunit may kakayahang igalaw ang kanyang mga paa, ulo at leeg.

Batay sa awtoridad, itinanggi pa umano ng suspek na siya ang ama ng pinagbubuntis ng biktima, ngunit nang kuhaan sila ng DNA sample, lumalabas na siya ang may kagagawan.

Nahaharap si Sutherland sa 10-taong pagkakakulong at nahaharap sa kasong sex offender. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.