Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nurse inambus sa ambulansya

0 455

`Palawan Rescue 165’ inatake ng NPA

Isang nurse na sakay sa ambulansya ang nasawi habang nasugatan ang kasama nitong driver matapos ang mga itong pagbabarilin ng mga armadong suspek Sabado ng hapon sa Sitio Stockpile, Barangay Dumarao sa bayan ng Roxas.

Sa lumabas na report, ang nasabing nurse ay kinilalang si Al Jerome Bernardo. Nasawi ito sanhi ng tinamong bala sa dibdib habang sugatan naman ang driver na si Alex Dela Peña.

Nangyari ang insidente pasado alas-3:00 ng hapon.

Sakay ng Palawan Rescue 165 ang mga biktima kasama ang ilan pang responders na sina Christopher Tamulin at Armando Carbajosa nang tambangan ng di nakilalang mga suspek.

Pawang taga-bayan ng Dumaran ang grupo at pauwi na sana ng munisipyo mula sa lungsod ng Puerto Princesa nang atakihin ng armadong mga suspek.

Puspusan ngayon ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya hinggil sa insidente ngunit base sa ulat ay lumalabas na kagagawan ng CPP/NPA ang pananambang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.