Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nurse sinalpok ng sports car

0 80

Sugatan ang isang babaeng nurse matapos mabangga ng isang sports car na minamaneho ng anak ng isang business tycoon ang kotseng sinasakyan nito Linggo ng umaga sa bayan ng Murcia, Negros Occidental.

Ayon kay PM/Sgt. Donald Garde, traffic investigator ng Murcia Municipal Police Station, nasa ligtas ng kalagayan ang biktimang si Mary Ann Pastro, 27, nurse, taga-Barangay Caliban ng nasabing bayan at nagtamo ng minor injury.

Ang Vios na minamaneho ni Pastro ay nabangga ng GT-R Sports car na minamaneho naman ng isang Eugene Albert Po, 34, ng St. Francis Village, Barangay Taculing, Bacolod City at anak umano ng isang business tycoon sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni Garde, naganap ang insidente Linggo ng umaga sa highway sakop ng Barangay Salvacion ng nabatid na bayan.

Parehong binabagtas ng Vios at Sports car ang kalsada patungong norte subalit nag-overtake umano ang sports car sa isang motorsiklo at dahil sa maulan at baha ang lugar ay dumulas ang gulong nito at hindi kumagat ang preno dahilan upang magtuloy-tuloy na mabangga ang unahang sasakyan ng biktima. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.