Abante Tonite Interactive

Nursery pupil dinagit ng babaeng kidnaper

By
0 203

Ilang minuto lang kung nalingat ang isang ginang, tiyak na hindi na nito makikita pa ang 4-anyos na anak na lalaki na tatangayin na ng gumagalang babaeng kidnaper sa Navotas City kahapon nang umaga.

Galit na galit sa loob ng presinto nang makaharap ni Rosemarie, 46, taga-Barangay Daang Hari ng nasabing lungsod si Marites Gatchalian, 46, tubong Bacolod City, walang pirmihang tirahan.

Kuwento ni Rosemarie, dakong alas-9:00 nang umaga, susunduin niya ang anak na itinago sa pangalang Angelica, nursery student sa pinapasukan nitong day care center sa Navotas City nang makita nito na hawak-hawak na ni Marites ang kanyang anak para ilayo.

Hindi nagdalawang-isip ang ginang at kaagad na itinulak ang suspek kung saan nabitiwan nito ang bata.
Kaagad na nagsisigaw si Rosemarie na nakatawag-pansin sa mga barangay tanod at mga residente ng Brgy. Daang Hari at inaresto ang suspek, saka dinala sa presinto.

“Buti po umalis ako kaagad ng bahay kung medyo na late ako ng dating, hindi ko na alam kung ano na nangyari sa anak ko,” sabi ni Rosemarie.

Nahaharap sa kasong attempted kidnapping in Relation to 7610 ang suspek.