Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nutribun na may carrots ibibida ng FNRI

0 136

Isasalang ngayon para ibida sa publiko ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ang enhanced nutribun (e-nutribun) with carrots na nagtataglay ng maraming sustansya na puwedeng panlaban sa coronavirus disease (Covid-19).

Ayon kay FNRI Director Imelda Agdeppa, na-challenge sila sa kakulangan ng supply at sa taas ng presyo ng kalabasa na itinampok nila noong 2020 kaya naisipang gamitin ang carrots na mayaman din sa bitamina ang maraming benepisyong naidudulot para sa kalusugan ng katawan.

“As a nutritionist, I know that carrot is like squash and other colored vegetables that contain beta-carotene. Beta-carotene, when ingested, will be metabolized into Vitamin A that helps keep the eyes healthy,” ayon kay Agdeppa.

Nilinaw ni Agdeppa na nagtataglay ang carrots ng sustansyang panlaban ng katawan sa anumang uri ng infection dahil sa natural fiber nito at walang artificial flavor at color.

Ang isang serving ng e-nutribun with carrots ay mayroong 500 kilocalories, 18 grams protein, 6 milligrams iron at 350 micrograms Vitamin A sa bigat na 160 grams sa bawat isang bun na good for one serving at sulit na ang sustansya ng katawan. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.