Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nutrisyon pinahalagahan

0 179

Hinihikayat ng Philippine Sports Commission (PSC) ang isang “holistic approach” sa health at wellness kabilang ang balance sa pisikal, mental, emosyonal, at nutrisyon sa sixth episode ng web series na “Rise Up! Shape Up!” ngayong Miyerkoles.

Nakatuon sa programa mamaya ang pagbibigay kaalaman sa lahat, laluna sa mga highly active individual, at kababaihan, sa tamang pagpili ng mga pagkain na nakakaapekto sa katawan, lakas, enerhiya at gawain.

Ipinahayag Martes ni PSC Chairman William Ramirez, na ang episode sa nutrition ay “call to action” ng PSC para sa mga Pinoy at Pinay na maging conscious choices para sa health at wellness kabilang ang pagpili sa tamang pagkain.

“While the agency is tasked to promote and develop sports excellence in Filipinos and Filipinas, we believe that such level of excellence can only be achieved through a body that is holistically healthy and

well,” hirit ng opisyal. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.