Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NVP umayuda sa pandemya

0 305

NI: ROLDAN CASTRO

Naudlot ang I Am Ready Grand Concert ng tinaguriang Total International Entertainer na si Nick Vera Perez noong May 23, 2020. Sanhi ito ng Covid-19 pandemic. Pero hindi naging sagabal ito sa kanyang adbokasya. Naging aktibo siya sa pagtulong sa mga kababayang nangangailangan .

Apat na major projects ang pinamahalaan niya. Ito’y ang mga sumusunod:

1.) NVProjecTAAL20- Inatasan ni NVP ang NVP1 Smile World angels para mamahagi ng food supplies sa may 100 pamilya na naapektuhan ng Taal eruption.

2.) NVProject: PPP (Pagkain Para sa Pamilya) – May 145 poorest of the poor families ang natulungan ng NVP1WORLD Disaster Aide program nang mawalan ang mga ito ng pagkakakitaan dulot ng lockdown.

3.) NVProject Press2020- Ilang entertainment press na sumuporta kay Nick tatlong taon na ang nakararaan hanggang sa kasalukuyan ang naayudahan ngayong panahon ng pandemya nang mamahagi ito ng biyaya sa kanilang mga hapag-kainan–WeeChicken at tig-isang sakong bigas.

(4.) NVProject: PPE – Balik-pasasalamat ni Nick at ng NVP1Smile World sa UST College of Nursing sa pamamahagi ng PPEs (Personal Protective Equipments) sa mga healthcare workers sa mga hospital sa pamumuno ng Dean ng College of Nursing na si Rowena Chua at ilang propesor gaya nina Ms. Ida Tionko, Ms. Rouenna Villarama at Ms. Trinidad Ignacio.

Hindi matatawaran ang pagmamalasakit ni Nick sa sariling bayan kahit nasa Chicago, Illinois pa siya. Naglilingkod siya roon bilang isang registered nurse. Pinatunayan lang niya na hindi lang sa salita ang pagtulong kundi mas higit sa gawa.

Samantala, ang naantalang concert ng Total International Entertainer noong May sa Luxent Hotel Grand Ballroom ay itutuloy sa December 25, 2021. Tampok pa rin ang mga special guest na sina Ynez Veneracion, Kikay/Mikay, Erika Mae Salas , at ang kanyang USA Stars na sina Irelyn Arana (soft vocalist, kundiman) at Rock Star Diva Rozz Daniels. Mas paghahandaan ang mga bonggang production numbers.

Para sa iba pang detalye, maaring sundan si NVP sa kanyang mga social media account–sa Facebook, Instagram at Youtube.

Leave A Reply

Your email address will not be published.