Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NWRB: Metro Manila `di kakapusin sa tubig

0 165

Iginiit ng National Water Resources Board (NWRB) na hindi kapos ang supply ng tubig sa Metro Manila ngayong panahon ng tag-init.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., mas mataas pa ang normal na alokasyon ng tubig sa Metro Manila sa kasalukuyan.

Aniya, nasa 48 cubic meters pa ang naisu-supply sa Metro Manila na mas mataas sa normal na lebel na nasa 46 cubic meters per second lamang.

Samantala, ang alokasyon naman sa irigasyon ay nasa 10 cubic meters per second.

Tungkol naman sa pagkaantala ng supply ng tubig na nararanasan ng mga residente sa Metro Manila, sinabi ni David na dulot lamang ito ng mas mataas na demand ng tubig ngayong tag-init.

Pinayuhan naman ni David ang publiko na magtipid ng tubig.

Samantala, tiwala rin ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pagsapit ng Hunyo ay magkakaroon na ng mas madalas na pag-ulan na siyang muling magpapataas ng supply ng tubig.(Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.