Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NYC Marathon pinigilan ng COVID-19

0 207

Sanhi ng patuloy na Coronavirus disease 2019 pandemic, napuwersa ang New York Road Runners na kanselahin na lang ang 50th New York City Marathon 2020 sa darating na Nobyembre 1 at sa halip ay iurong sa Nob. 7, 2021.

“While the marathon is an iconic and beloved event in our city, I applaud New York Road Runners for putting the health and safety of both spectators and runners first,” pahayag noong Miyerkoles (Huwebes, Manila time) ni NYC Mayor Bill de Blasio.

Ang NYCM ang pinakamalaki sa anim na World Marathon Majors – kasama ang Tokyo, Boston, London, Berlin, Chicago – kung bilang ng mga kalahok ang pag-uusapan. Sa nakalipas na taon may 129 na mga bansa ang lumahok habang noong 2018 ay 52,812 ang finishfers, at nasa 98,247 naman ang mga aplikante noong 2017.

Unang ginanap noong 1970, ito ang pangalawang ulit pa lang na hindi tatakbo ang 42.195-kilometer footrace dahil sa Covid-19. Ang una ay noong 2012 nang manalasa sa lungsod ang Hurricane Sandy.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.