Abante Tonite Interactive

OA ka lang Abueva! — Standhardinger

0 362

artistahin

Hindi gaanong napakinabangan ng San Miguel Beer ang kalahati ng tore nang ma-ejected si Christian Standhardinger sa Game 2 ng PBA Philippine Cup best of seven semifinals kontra Phoenix Pulse Lunes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Napatalsik agad ang 6-foot-8 Fil-German sa may 6:10 ng second quarter nang masaktan si Calvin Abueva na sinipa niya sa mukha at singit tapos ng kanilang pagbagsak sa sahig sa isang play.

Dinig ng karamihan ang center-forward habang pa-dugout sa pagsigaw na overacting o umarte lang talaga aniya Fuel Master forward na may trademark nito noon pa man.

Pero matigas ang mga referee nang tawagan siya ng flagrant penalty 2 na nangangahulugan ng automatic thrownout sa game.

Nangangahulugan pa iyon ng multa depende sa magiging husga ni PBA Commissioner Willie Marcial kapag napatawag na siya sa tanggapan nito sa Bagumbayan, Libis, Quezon City sa mga susunod na araw.

Bago ang paninipa ng Beerman, tinamaan na rin niya sa ulo si Abueva habang nagpapambuno sila sa bola.

Bago napatalsik, may 2 points at 4 rebounds pa lang sa 9mins., 20secs. job si Standhardinger.

Naka- 12 pts. at 16 rebs. siya nang languin ng serbesa ang gasolina sa Game 1 nitong Sabado, 100-88.

Ang kontrobersiyal na tawag ang nagpatigilid sa SMB sa serye.