Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena alam na araw ng laban

0 207

Matinik ang daan nina Olympic qualifiers pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam sa nilantad ng Tokyo Games organizer na mga iskedyul nila sa event na susulong sa Hulyo 23-Agosto 8.

Unang sasabak sa kompetisyon si Yulo tapos ng opening ceremony kinabukasan (Hul. 24) sa men’s artistic gymnastics qualifiying round sa Anake Gymnastics Centre. Hul. 28 naman ang men’s all-around final.

July 31 ang athletics qualifying round ni Obiena sa Olympic Stadium, habang mag-uumpisa ang boxing sa Jul. 24 sa Kokugikan Arena. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.