Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena bawal sa PH Open

0 216

Wala nang makakapigill pa sa puspusang paghahanda ni pole vault star Ernest John ‘EJ’ Obiena sa misyong mabigyan ng unang gold medal ang Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021.

Nabatid Huwebes kay Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico, na kumpleto na ang suporta sa magbe-25-anyos sa Nov. 17, may taas na 6-2 at tubong Tondo, Manila na atleta nang aprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pondo para sa kanya bago pa mag-lockdown nitong Marso dahil sa Covid-19 p bago pa siya magbalik sa Fornea, Italy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“EJ is starting his preparation now for indoor tournaments until the end of the year. It will continue with next program on competing outdoors mostly in Europe. Matatapos ang kanyang kumpletong training two months before the start of the Tokyo Olympics in July 2021,” pagsisiwalat ni Juico.

Hindi na rin aniya pa, pasasalihin ang reigning Universiade, Asian at Southeast Asian Games champion sa dalawang magkahiwalay na Philippine Open sa darating na Marso 2021 sa New Clark Sports Complex sa Tarlac . (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.