Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena ‘di napapagod

0 212

Tila hindi nakaramdam ng pagod si 32nd Summer Olympic Games 2021 Tokyo-bound pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena kahit sumalang na sa maraming kompetisyon.

May walong malalaking torneo nang sinabakan ang 24-year-old, 6-foot-2 Tondo, Manila native simula pa nitong Agosto, pero asam niyang magrelaks muna.

Sinungkit niya ang gold medal sa 30th Southeast Asian Games PH noong Disyembre at pagkaraa’y nag-training camp na sa Formia, Italy bago ang magkakasunod na kompetisyon sa Europe sa mga pag-ayuda ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at Philippine Sports Commission (PSC).

“We finally come to say goodbye to the weird 2020 season. My 2019 self wouldn’t have predicted that 2020 would be so unpredictable. It has been a roller-coaster ride since January and still doesn’t show signs of slowing down,” salaysay ni Obiena sa kanyang Facebook post nitong Linggo.

Ang mga kompetisyon ni Obiena ay bilang paghahanda niya sa 2021 quadrennial sportsfest na inusog ng petsa mula sa Hulyo ng taong ito pa-2021 sa parehas na buwan dahil sa Covid-19. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.