Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena ‘di swak sa Germany meet

0 132

Nausog ang pagsisimula ng 2022 season para kay pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena makaraang umatras sa nakatakda ngayong Biyernes na Init Indoor Meeting sa Karlsruhe, Germany.

Pinost ng pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) sa isang Instagram story Huwebes ang hindi na pagtuloy nang kanyang paglundag sa nasabing kompetisyon.

“I’m sorry, I need to move my season opener a few days back,” sey ng 2020+1 Tokyo Olympian mula sa Tondo, Manila. “I’ll be back! I promise!”

SM food to go Banner Ad

Wala sa porma ang galing sa operasyon sa kaliwang tuhod na 26-year-old at 6-foot-2 athlete na dahilan sa pag-atras sa paligsahan.

Tiniyak naman ng Philippine Olympic Committee (POC) Martes na makakapaglaro si Obiena sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Hanoi at sa 19th Asian Games sa Hangzhou sa Setyembre kahit may hidwaan ang manlalaro sa Patafa. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.