Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena ‘di tinapos ang Roof Challenge

0 59

Hindi nakumpleto ni Ernest John ‘EJ’ Obiena ang pinakahuling sinalihang Golden Roof Challenge matapos itigil ng mga namamahala ang kompetisyon dahil sa masamang panahon.

Nilundag na ng 24-anyos na University of Santo Tomas Engineering student at isa sa mga pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang taas na 5:30 metro nang magsimulang umambon at tuluyang lumakas na naging dahilan upang tuluyang kanselahin ang event.

“The competition director had decided not to finish the men’s pole vault competition for the safety of the athletes due to heavy rainfall, the “Golden Roof Challenge,” pahayag ng 6-foot-2, Tondo, Manila native nitong Linggo.

Nakatuon na sana ang unang Tokyo Olympic qualifier ng bansa sa 5.40 metro sa kanyang ikaapat na torneo ngayong taon, pero tututok na lang sa susunod na sasaling torneo. Pabalik na siya sa Ostrava kasama si coach Vitaly Petrov. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.