Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena ‘hirap’ sa coach

0 49

HINDI kuntento ang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov kahit na nakapagwagi ng gintong medalya sa isa sa sinalihang torneo ang Olympics-bound na si Ernest John “EJ” Obiena.

Sinabi ni Obiena na sadyang “hard to please” at madalas ang kritisismo sa dating coach na naging world at Olympic champion na si Sergie Bubka.

“Knowing what he has done and his achievement, siguro it speaks for his passion for excellence,” sabi ni Obiena.

Nakatutok si Obiena sa ikaanim na medalya sa pagsabak nito sa Diamond League ngayong Huwebes sa Golden Gala sa Rome, Italy. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.