Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena kakagatin gold medal – Juico

0 56

Kumpiyansa si Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) president Dr. Philip Ella ‘Popoy’ Juico na maiuuwi ng Pilipinas ang isang medalya sa tulong ni Ernest John ‘EJ’ Obiena sa nalalapit na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa darating na July 23-August 8.

Ang opisyal ang bisita sa tuwing Martes na Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum na mga hatid ng Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

Aniya, nakikinita na niya si Obiena na nakatayo sa podium habang itinataas ang bandila ng Pilipinas at kagat-kagat ang pinakaaasam na unang medalyang ginto sa nabanggit na paligsahan.

SM food to go Banner Ad

“It is always a dream,” hirit ni Juico sa hindi pa naaabot na karangalan ng mga Pinoy sa quiadrennial sportsfest sapul noong 1924 Paris Olympics. “It is something to dream about. At least a medal.”

Pinanapos niyang hirit “Without being over confident, we are very bullish on the chances of EJ. Given the new things he is doing, his hard work and the technology, it is like a good recipe for success.” (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.