Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena kalmado bago bakbakan

0 101

ILANG oras bago ang kanyang laban, kalmado ngunit nakahanda na si Ernest John Obiena habang bitbit ang “laser-sharp focus” na magbibigay ng kanyang destinasyon sa Tokyo Summer Olympic Games.

Pansamantalang tumitigil sa Team PIlipinas Secretariat sa Conrad Tokyo bago magtungo sa Olympic Village sa sunod na araw, sinabi ni Obiena ang kanyang estado matapos ang mahabang 13-oras na flight mula Italy kung saan ito naghanda at nakabase sa nakalipas na 18 buwan.

“I’m good. I feel not so excited about it, all the hype, and anything. Well, maybe, not yet. And I guess that’s a good thing. So I have training today, actually. I might do it inside the hotel,” sabi ng 25-anyos na si Obiena.

Magpapahinga si Obiena buong Linggo bago isagawa ang kanyang huling jump session Lunes.

SM food to go Banner Ad

Si Obiena ay kabilang sa pamilya na mahilig sa sports kung saan ang ama nito na si Emerson ay silver medalist sa Southeast Asian Games at dating humahawak sa Philippine pole vault record habang ang ina nito na si Jeanette ay dating hurdler sa kolehiyo.

Ang kapatid nitong si Emily ay dati ring pole vaulter.

Kaya naman hindi nito maiwasan na ambisyunin na magwagi sa Olympics.

“That was definitely a dream, but I don’t know if I could achieve it or not. I never really thought that I was in the position of vying for a medal. Realistically speaking, I actually can. I really didn’t think of this. A week ago, my coach said to me ‘No bullshit, EJ. You have to stay focus, we have to do something special. Don’t do something foolish,” natatawang sabi ni EJ. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.