Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena kayod pa sa 5 buwan

0 44

Sisimulan ni Ernest John ‘EJ’ Obiena ang pinal na paghahanda sa huling limang buwan sa pagsali pa rin sa mga outdoor competition simula sa Marso hanggang sa aktuwal na pinakamalaking laban sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa parating na July 23-August 8.

Sandali lang magpapahinga ang 24-anyos, 6-2 ang taas, tubong Tondo, Maynila at University of Santo Tomas Engineering student at kanyang coach na si Vitaly Petrov Ukraine sa kanilang training camp sa Fornea, Italy kung saan kanilang paplanuhin ang iba pang mga sasalihang torneo dahil na rin sa mga travel restrictions at health, safety protocols sanhi ng Covid-19.

“Coach is exerting all efforts po for more competitions. Nahihirapan po kasi kami ngayon dahil hindi agad kami makagalaw kasi kailangan pa ng mga document, tapos approval and then kailangan talaga dumaan sa mga test,” paliwanag ni Obiena, na nakatuon sa 5-10 torneo bago mag-quadrennial sportsfest.

Hindi naman nakalimutan ng Pinoy athletics star na pasalamatan ang lahat ng mga tumutulong sa kanya habang nasa kompetitsyon tulad na lang ng kaibigan na nagdadala at nagbibiyahe ng malayo by land para mabitbit ang kanyang mga pole. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.