Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena knontra ng Patafa

0 49

Itinanggi ng Philippine Athletics Track and Field Association Lunes ang mga salaysay na ipinarating ni 2020+1 Tokyo Olympian pole vaulter Ernest John Obiena, pinaimbestigahan ang atleta at pinababalik ang €85,000 (P4.8M) financial assistance para sa kanyang Ukranian coach na si Vitaly Petrov.

Tinawag Linggo ng manlalaro na ‘character assassination’ ang hakbang ng Patafa, pero iginiit ng national sport association Board na ‘panloob lang at hindi pampubliko ang imbestigasyon.’

Hinirit pang Patafa na umaksyon lang sila sa signed statement ni Petrov na hindi nakatanggap ng bayad kay Obiena sa tamang panahon. Napalakas pa anila ang mga naunang salaysay ni Petrov nang pirmahan ng kababayan nito at World Athletics senior vice president Sergey Bubka ang isang affidavit.

SM food to go Banner Ad

Ayon pa sa kanila, taliwas ang ipinasang report ni Obiena sa para sa sweldo ni Petrov mula May 2018-August 2021 na dapat natanggap sa nasabing petsa, pero binayaran lang ng atleta ngayong Nobyembre base sa report.

Dinenay nitong Linggo sa isang online press conference ni Obiena ang mga akusasyon sa kanya. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.