Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena kumopo ng pilak sa Italya

0 233

Wagi ng silver medal sa men’s pole vault si 32nd Summer Olympic Games 2020 qualifier Ernest John ‘EJ’ Obiena sa 13th Triveneto Meeting sa Triesto, Italy nitong Lunes (Manila time).

Nakapagtala ang atletang mga kinakalinga ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) at Philippine Sports Commission (PSC) ng 5.45-meter upang pumangalawa sa kompetisyon.

Bumida sa torneo si Brazilian Thiago Braz na naibagahe ang medalyang ginto habang bronze medalist naman si Italian Max Mandusic.

Lalahok din si Obiena sa virtual pole vault competition at makakatapat sina Olympians Paweł Wojciechowski at Matt Ludwig at iba pa, sa darating na Agosto 17. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.