Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena lalaro sa Poland

0 53

Dalawang indoor meet ang nakatakdang sabakan sa buwang ito ni Tokyo Olympics-bound at PH gold hopeful pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena sa Poland sa patuloy na preparasyon para sa 32nd Summer Games 2020 sa Tokyo, Japan sa parating na July 23-August 8.

Kakatapos lang ng 25-anyos, may taas na 6-2 at tubong Tondo, Maynila, sa ikalimang puwesto sa World Athletics Indoor Tour Gold event sa Lievin, France sa nalundag na 5.60 meters katabla si reigning Olympic champion Brazilian Thiago Braz.

Pero bago ang fifth place finish, nakadalawang sunod na gold medal ang Pinoy sa magkahiwalay na paligsahan sa Germany. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.