Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena, Patafa away sa P5M allowance

0 35

Itinanggi ni 2020+1 Olympian pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena ang akusasyon ng Philippine Athletics Track and Field Association na dinoktor niya ang isang liquidation report at nagbanta nang maagang pagreretiro kundi didispensa ang Patafa.

Inatasan ng PATAFA si Obiena na ibalik ang 85,000 euros (P4.8M) at pinagbibintangang hindi binabayaran ang kanyang coach na si Vitaly Petrov ng Ukraine.

“I have all proof of due payments to Mr. Petrov being paid before any of this. I have signed document from Mr. Petrov, that he sent to Patafa, asserting this fact,” giit Linggo ng 26-anyos na atleta, na pinatitigil din ang imbestigasyon sa kanya at pinagpa-public apology ang Patafa

SM food to go Banner Ad

“If this does not happen, I will consider my other options, being an immediate retirement from the sport that I love in the Philippines, and probably return to school, as much as I believe there is more for me to achieve.”

Nagpahayag naman si Petrov sa nasabing press conference, at sinabing fully paid siya sa atleta. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.