Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena, Petecio susungkit ng gold

0 92

Pupuntirya ng gold medal sina pole vaulter Ernesto John Obiena at boxer Nesthy Petecio sa 32nd Summer Olympic Games 2020+1 sa Tokyo, Japan ngayong Martes.

Makakatapat ni Obiena sa finals ng men’s pole vault event sa Olympic Stadium sa alas-6:20 nang gabi (PH time) ang 12 mga karibal na ang ilan ay sina world record holder Armand Duplantis ng Sweden at 2016 Rio de Janeiro Olympics champion Thiago Braz ng Brazil.

Ayon sa 25-year-old Pinoy mula sa Tondo, Manila, makakasama niya sa sidelines ang kanyang coach na si Ukrainian mentor Vitaly Petrov.

“I’ll talk to coach Vitaly for the game plan,” sey Obiena na nakapagtala ng 5.75m sa qualification noong Sabado.

Huling nasa landas naman ni Petecio, 29, sa boxing women’s featherweight finale sa Kokugikan Arena ang 20-taong-gulang na si Sena Irie ng host country Japan.

“This means a lot to me, it’s my dream and this is importantly my father’s dream,” litanya ni Petecio. “A victory will not only be for me but for my family, and to Filipinos who pray for me.”

Uupak si Petecio kontra kay Irie sa alas-12:05 nang tanghali. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.