Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena sabak na sa outdoor

0 160

Sisimulan ni 2020 Tokyo Olympics-bound pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena ang una sa tatlong pinal niyang kompetisyon bago ang Summer Games sa Gothenburg Athletics Grand Prix 2021 sa Germany ngayong Huwebes.

Ito ang una niyang outdoor competition ngayong taon matapos ang matagumpay na indoor season na natapos nitong Pebrero kung saan ilang beses nakapagtala ng record.

SM food to go Banner Ad

Tinapos ni Obiena ang Euro Indoor athletic season campaign sa 5.80 meters sa Copernicus Cup sa Turin, Poland noong Peb. 27 na rito’y nag-bronze medal siya.

Mahigpit niyang karibal si 2016 Rio de Janeiro Olympic gold medalist Tiago Braz ng Brazil nasa ilalim din ni coach Vitaly Petrov na humahawak sa Pinoy athlete. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.