Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena sokpa sa Diamond finals

0 51

Hindi man nakamedalya sa 12th Diamond League 11th leg Allianz Memorial Van Damme sa King Baudouin Stadium sa Belgium nitong weekend, martsa pa rin sa 6-player DL finals sa Zurich, Switzerland sa Sept. 8-9 si 2020+1 Tokyo Olympian pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena.

Pumang-apat sa qualification ng DL finals standings si Obiena na may 16 points makaraan ang anim na qualification meeting maski nag-10th place sa penultimate Allianz meet sa 5.65-meter.

Nanguna si Olympic gold medalist at world record holder Armand Duplantis ng Sweden na naka-44 pts., kabuntot sina Americans Sam Kendricks (34), Christopher Nilsen (24), at KC Lightfoot (16), at si French Renaud Lavillenie (12).

Kakaangat lang sa world no. 5 ranking ng Pinoy athlete mula sa Tondo, Manila at pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association nang mag-silver medal sa Meeting de Paris Wanda DL at makapagtala pa ng bagong national record. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.