Abante Tonite Interactive

Obiena suwak sa Top 14, puro sa 2020 Olympics

231

Abot kamay na ni Olympic gold medal hope Ernest John ‘EJ’ Obiena ang pagiging u-nang national athlete na awtomatikong magqua-lify sa 32nd Summer Olympic Games sa Tok-yo, Japan sa 2020.

Ito’y tapos niyang tumuntong sa ika-14 na puwesto sa inilabas na pole vault event world ranking ng International Association of Athletics Federations (IAAF).

Ang sunod-sunod na pagwawagi ng gold medal at patuloy na pagtaas sa nalalampasang sukat ang nagbigay sa 23-anyos na University of Santo Tomas engineering student ng kabuuang 1,262 puntos upang okupahan ang ika-14 na puwesto sa kinakailangang 32 makakasabak sa 2020 Tokyo Olympics.

Kapos na lamang si Obiena ng 0.04 sentimetro para sa kaila-ngang lampasang na 5.80 metro Olympic Qualifying Standard tapos mag-personal best ng 5.76 sa World Universiade nitong Hulyo 12 sa Napoli, Italy.

Agad makakapasok ang mga pole vaulter sa 2020 Tokyo Games kung kanilang maaabot ang 5.80 metro sa alinman mang IAAF sanctioned tournament o kung makakasama sa Top 32 sa world sa huling araw o bago matapos ang qualifying deadline na itinakda sa sunod na taon ng International Olympic Committee (IOC).

Inaasahang pilit na aabutin ni Obiena na malampasan ang 5.80 sa pole vault Olympic Qualifying standards sa pagsali sa finals ng Diamond League sa Agosto 29 sa Zurich, Switzerland o sa World Championships sa Doha, Qatar simula Setyembre 7.

Maaari ring makuha ni Obiena ang quali-fying standard sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11. (Lito Oredo)