Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena tanso sa Poland Grand Prix

0 65

ITINALA ni Olympic medal hopeful Ernest John Obiena ang kanyang ikalimang podium finish sa loob ng pitong sinalihang kompetisyon sa pagtatapos nito sa ikatlong puwesto sa ginanap na 2020 Poznań Athletics Grand Prix sa Poznań, Poland.

Nagkasya lamang ang 24-anyos mula Tondo, Manila na si Obiena sa mababa na natalon na 5.52 metro sa ikalawa na tangka bago pumalya ng tatlong beses sa taas na 5.62 metro.

Una nitong tinalon at madaling nalampasan ang sukat na 5.37 metro sa kanyang unang talon.

“Fifth podium finish in 7 competitions this season (however 1 was cancelled due to heavy rains), placing third place at the Poznań Athletics Grand Prix 2020. Happy but realizing that I need to work harder. See you in next competitions!” sabi lamang ni Obiena.

Nakatabla ni Obiena ang hometown bet na si Robert Sobera at Matt Ludwig ng U.S sa nakumpleto na 5.52 metro.

Gayunman, napunta kay Ludwig ang ikalawang puwesto sa paglampas sa taas sa unang tangka upang iwanan sina Obiena at Sobera sa ikatlong puwesto.

Ang kababayan ni Sober ana si Piotr Lisek ang nagwagi sa natalon na 5.72m. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.