Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena target bagong record

0 63

NAKATUTOK naman si Ernest John “EJ” Obiena sa pagtatala ng panibagong kasaysayan sa indoor event ng pole vault sa nakatakda nitong pagsabak sa serye ng torneo na parte sa World Indoor Athletics Championships.

Ito ang inihayag mismo ng 25-anyos na si Obiena sa pagdalo nito sa umagang programa na Power and Play Sabado ni dating PBA Commissioner Noli Eala.

Sinabi ni Obiena na kapapadala pa lamang nila ng kanilang kahilingan sa Philippine Sports Commission (PSC) para sumali sa isasagawang serye ng indoor event na ilang yugto ay gagawin sa Nairobi, Kenya at nangangailangan ng malaking gastusin upang makalahok dahil sa bitbit nitong mga kagamitan.

Ipinaliwanag din ni Obiena na ang nakalipas nitong pagtatala ng mga bagong Asian at Philippine national record sa outdoor ay unti-unti nang nagtatabon sa kanyang pagkadismaya mula sa masaklap nitong naging kampanya sa nakalipas na 2020 Tokyo Olympic Games.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I was a little bit down, it haunts me. Tokyo was not a pleasant thing, and the (Asian and national), I really needed this badly,” sabi ni Obiena habang aminado din na halos nakarekober na ito sa ginaganap na pole vault season.

Matapos na tumapos lamang sa ika-11th puwesto sa Olimpiada ay itinala ni Obiena ang national pole vault record ng dalawang best bago tinabunan ang 23-taong Asian record.

“I think it’s important for me, I wouldn’t say if it’s as important for everyone else. It’s really important for me, especially after what happened in Tokyo,” sabi ni Obiena.

“I just needed to have some kind of sign that I’m actually capable, that I’m actually okay, I’m actually good, that I’m actually able to do all of this,” sabi nito. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.