Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena vs world champion

0 153

Mapapasabak si 2020 Tokyo Olympics-bound pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena sa mga tigasing karibal sa lalahukang 40th FBK Games – World Athletics Continental Tour Gold sa Hengelo, Netherlands sa Linggo (Lunes sa Maynila).

Ang kompetisyon, ayon sa Sabado sa Pinoy athlete, ang magpapabatid sa kanya ng kahandaan para sa Tokyo Olympics na inusog ng pandemya sa darating na July 23-August 8 dahil sa pagsali sa FBK nina world record holder Armand Duplantis ng Sweden at 2016 Rio de Janeiro Olympic gold medalist Thiago Braz ng Brazil.

“At this point po, my coach and I are putting up the final preparation. I am hoping against the best of the world, and other Olympic bound, makikita namin ang kailangan pang gawin,” ani Obiena, na makakasagupa rin sina Ben Broeders ng Belgium, Harry Coppell ng Great Britain at home bet Menno Vloon. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.