Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obiena, Yulo walang problema

0 153

Apat na national sports association (NSA) ang wala pang nahahanap na pagsasanayan ng mga atleta na naghahanda para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan at 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sakaling payagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emering Infectious Disease.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon nitong Biyernes kay Team PH Chef De Mission to Tokyo Olympics Mariano Araneta Jr., ang grupo na wala training venue base sa ipatutupad ng Philippine Sports Commission (PSC) na bubble ay boxing, taekwondo, karate at wrestling.

“Wala tayong problema kina pole vaulter Ernest John Obiena and gymnast Carlos Edriel Yulo na nasa italy at Japan. Patuloy ang training at pagsali sa international competitions. Ang problema sina Eumir Felix Marcial and Irish Magno dahil walang venue ang boxing. I met them other day, baka diyan sa Sucat meron, or sa Inspire sa Laguna,” wika ng opisyal. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.